CVAP Day 1: A new journey begins!


"First day of school! First day of school!"

Iyan ang sigaw ng aking puso nung dumating na ang first day ko para sa Certified Voice Artist Training

 Program o CVAP. Last year ko pa ito nakita at ginustong sumali dito, pero ngayong year lang ako nag-

decide na sumali. 9AM ang start ng online classes namin, pero mga 8AM pa lang nagseset-up na ako ng

mumurahing condenser microphone na nabili ko pa sa Shopee last year. Inayos ko pa yung webcam ko

 para makuha yung tamang anggulo para maitago ko ang "double-chin" ko. 


9AM na! Nag-log in na ko sa Zoom meeting namin. Akala ko kakaunti lang kami, pero more than fifty  

kami sa meeting! Wow! Mga bagong mukha na di ko kilala. Mga katulad kong gustong maging voice

 artist. Ibang iba ang energy din ng mga hosts. Hindi boring. Makulit! Masaya!


Ang unang itinuro sa amin ay kung paano gumawa ng sarili mong voice branding. Ano nga ba ang

 voice branding? Ito ba ay parang yung forever codename mo bilang isang voice artist. Kilala niyo ba

 yung  isang voice artist na sumisikat sa Facebook at TikTok na si Kathleen? Di mo kilala? Eh 

VoiceOver Flowers kilala mo? Siya din yun, at yun ang voice branding niya.


Paano ba gumawa ng voice branding? Nagbigay sila ng 4 basic key points para ma-guide ka sa 

pag-iisip ng sarili mong voice branding:

WHY: Why are you here? Why are you doing this in the first place?

Bakit nga ba nandito ako sa CVAP? Ah, oo nga pala! Dahil gusto ko talagang maging voice artist.  

Magbigay boses at buhay sa mga characters sa cartoons, o magbigay ng excitement sa mga

 commercials at sa produkto ng iba.


WHO: Who are you as a brand? Who are you talking to?

Inaamin ko na isang introvert ako, pero love na love ko ang art especially acting, at voice acting.

 Mahilig ako magperform sa entablado kahit introvert ako. Gusto kong ipakita sa mga tao na may mga 

katulad akong nag-eexist. Isang introverted theatre kid!


WHAT: What is your name and how does it relate to you?

Gusto ng CVAP na dapat may salitang "voice" o anything equivalent para sa voice branding namin. 

Since na introverted ako at mahilig sa arts, ang unang naisip ko ay Introverted Voice Artist.

 Pero...parang masyadong mahaba at tunog formal. Kaya naisip kong maging The IntroVOIXted Artist!


HOW: How do you plan to make it all happen?

Simple lang ang sagot ko diyan. PRACTICE, PRACTICE, AND MORE PRACTICE! Hanap ng

opportunities kahit libre yan o volunteerism muna. Ang mahalaga, lalo 

na pag beginner pa lang na katulad ko, build up your voice acting skills and portfolio kasama ang puso

mo, at masusuklian ka ng blessings eventually.




Afternoon session na, and guess who ang bumulaga sa PC at phone screens namin? The Voicemaster 

himself, sir Pocholo Gonzales! Sobrang namangha ako sa voice acting na ipinakita niya sa amin live. 

This guy is on a whole new level talaga. 


Madami pa siyang sinabi sa amin, and eto ang tumatak talaga sa akin. He always emphasized that we

 always treat voice acting as an art, and I agree with him. We should always put our heart and soul on

 voice acting para ramdam ng listeners and clients mo yung love mo for voice acting and the emotions

 from your script with authenticity. To prove that, may pinakita siya sa amin 2 videos. One of them is

 entitled "Sulat ng Ama sa Anak" . Madami sa aming umiyak, lalo na ako, pinatay ko pa yung webcam 

ko.


Grabe talaga itong first day na ito with CVAP.  Excited na rin ako with the other days as well. 2nd 

day will be soon, so stay tuned for the updates on this blog. 

Comments

Popular posts from this blog

CVAP Day 2: Voice Lessons Time

CVAP Day 4 - The End?